top of page

Human Heart Nature my Best 3!


Maituturing ko na din silang bestie :) dahil araw-araw ko silang ginagamit sa araw at gabi.

Dry ang lips ko at nagbabakbak, marami na rin akong nasubukang ibat ibang lip balm pero lumala lang ang pagbabalat at kadalasan na dumudugo pa. Pero nang magamit ko na ang HHN tinted lip balm na to nakita ko agad na nagstop yung pagbabakbak ng balat ng lips ko at unlike sa dati kong balm di na dumugo ang labi ko, at dahil tinted na sya para na rin akong nakalipstick, tipid!

Isa pa sa pinoproblema ko ay ang medyo oily kong mukha kaya bago magmake up nililinisan ko muna ng toner, itong balancing face toner for oil control para di agad mahulas ang makeup at di rin retouch ng retouch. Gumagamit din ako nito sa gabi bago matulog pagkatapos maghilamos. Wala syang kakaibang effect nagustuhan ko sa toner na to di mahapdi at di rin makati, maganda rin yung tomato nila na toner at strawberry na facial scrub.

Nakakatuwa itong sunflower beauty oil kasi all in 1 na ata to kasi halos lahat ng part ng katawan ko nilalagyan ko na hehe... lalo na sa under arm ko kapag tapos magshave pati sa hair ko kapag tinatali or lugay, pero meron na rin silang hair serum na katulad nito. Tapos sa gabi naglalagay din ako ng kaunting oil sa mukha after magtoner saka sa ibang area na medyo dry like sa paa :) di sya greasy di ko nga ramdam na may oil kaya ok sya gamitin. Happy user ako kaya try nyo na din baka mahiyang din kayo at matagpuan nyo na ang bestie ng buhay nyo ;-)

( tinted lip balm P89.75, toner P99.00, Beauty oil P149.75)


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page